177

Dec 1, 2019 @ 16:08
By

De Guzman, Maraño PH volley babanat na

Lalagare na sina team captain John Vic De Guzman ng men’s team at Aby Maraño ng women’s squad para sa Philippine volleyball team na lalaban para sa 30th Southeast Asian Games.

Unang makakatapat ng men’s team ang bansang Cambodia sa Disyembre 2, sunod ang Vietnam sa Dis. 4 at bansang Indonesia sa Dis. 6, alas-6 ng gabi sa PhilSports Arena.

Pamumunuan ni head coach Dante Alinsunurin ang koponan na kinabibilangan rin nina Marck Espejo, Bryan Bagunas, Ran Abdilla, Mark Alfafara, Joshua Umandal, Ish Polvorosa, Kim Malabunga, Francis Saura, Rex Intal, Ricky Marcos, Joshua Retamar, Jessie Lopez at Jack Kalingking.

Para naman sa women’s squad, unang makakaharap ng mga Pinay spiker ang bansang Vietnam sa Disyembre 3, sunod ang Thailand sa Dis. 5 at Indonesia sa Dis.7, alas-6 ng gabi sa parehas ng venue.

Mamumuno naman para sa women’s team si head coach Shaq delos Santos sa grupo na kinabibilangan rin nina Alyssa Valdez, Mika Reyes, Majoy Baron, Mylene Paat, Maddie Madayag, Dawn Macandili, Rhea Dimaculangan, Jia Morado, Kath Arado, Ces Molina, Aiza Maizo-Pontillas, Eya Laure at Jovelyn Gonzaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?