17

Oct 14, 2021 @ 21:33
By

De Guzman kayod pa

Nangamote man sa 21st AVC Asian Men’s Club Volleyball Championship 2021 na matatapos ngayong Biyernes, babaunin naman ni Rebisco Philippines team skipper John Vic De Guzman ang mga aral na napulot sa torneo para sa national team sa hinaharap.

Pumangalawa sa kulelat o pangsiyam ang PH 6 sa 10-team, nine-nation, weeklong volleyfesy sa Nakhon Ratchasima, Thailand sa 1-4 win-loss record. Tanging hinakbangan ang CEB Sports Club Sri Lanka, 25-14, 22-25, 25-18, 21-25, 15-11.

“Perhaps the biggest lesson we will take is to pounce on whoever is on the other side whenever we can,” sey Huwebes ni De Guzman na umiskor ng 11 points kontra Sri Lankans. “After this, I know we need to work on our composure and on our focus on everything we do.”

Pasabog sa mga Pinoy spiker si Joshua ‘Jao’ Umandal na lumagare ng 28 markers. Bumakas naman sina Nico Almendras ng 11, at Kim Malabunga at Francis Saura ng tig-10 puntos.

Asinta ni coach Dante Alinsunurin na gumaling pa ang koponan pagkatapos ng torneo. Ito ang unang international competition ng PH squad makaraan ang silver medal finish sa 2019 Southeast Asian Games sa bansa.

“This is our first exposure and we hope to become better for the next edition,” giit ni Alinsunurin. “We are hopeful for the continued rise of the level of Philippine volleyball on its return to the international scene.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?