154

Sep 15, 2021 @ 23:31

De Guzman: ‘Di ako game-fixer

Itinanggi ni San Miguel Beer 3×3 player Daniel De Guzman ang pagkakasangkot sa isang viral Facebook post kung saan ‘nalugi’ ang kanyang mga kaibigan sa maling ‘tip’ na ibinigay sa isang 46th PBA 2021 Philippine Cup elims game sa Bacolor, Pampanga.

Base sa FB posts nitong Miyerkoles, isang netizen ang naglabas ng pruweba sa pagbebenta ng laro umano ng Beerman mula sa kanilang conversation screenshots sa SMB-Barangay Ginebra San Miguel game noong Biyernes.

Tumaya umano ang mga kaibigan ng basketbolista sa panig ng Gin Kings, na nalugmok sa laban 102-111, batay sa ‘payo’ ni De Guzman kapalit ng ‘balato’.

Sa isang ulat ng Spin.ph Huwebes, itinaggi ni De Guzman, mula sa kanyang veteran agent na si Danny Espiritu, ang pagkakasangkot sa nasabing mga alegasyon.

Hinirit ni Espiritu na hindi sugarol at walang Viber account ang player niya at nakahandang makipagharap sa nag-aakusa sa kanilang Barangay sa Nueva Ecija.

Si De Guzman ay pinapirma ng isang taon sa 5-on-5 at natapos na ang kontrata sa regular lineup. Binigyan siya ng anim na buwang extension para sa nakatakdang simulang 3×3 sa taong ito.(Abante TONITE Sports)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?