530

By

De Castro pinalaki lang ang maliliit na isyu – Lagman

Sharing is caring!

Minaliit ni Albay Rep. Edcel Lagman ang testimoniya ni Supreme Court Associate Justice Teresita de Castro laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa impeachment hearing ng Kamara.

Ayon kay Lagman, wala namang impeachable sa mga detalyeng inihayag ni De Castro laban kay Sereno kundi pinalaki lamang ng mahistrado ang maliliit na isyu.

“Granting that the alleged deficiencies of the Chief Justice are true, the same do not constitute any impeachable offense like culpable violation of the Constitution which must be deliberate and serious,” pahayag ni Lagman.

Mahirap aniyang tanggapin na lamang ang testimonya ni De Castro sa isyu ng pagtatag ni Sereno ng Judiciary Decentralized Office (JDO) sa 7th Judicial Region dahil uncorroborated ito kontra sa official notes ng Chief Justice na nagdokumento ng proseso ng SC sa deliberasyon ukol sa naturang issue.

Ang pagtatag aniya ng JDO ay umaayon din sa nauna nang resolusyon ng en banc ukol sa pagtatag ng Regional Court Administration Office (RCAO) at wala halos pinag-iba ang dalawang tanggapan maliban sa pangalan.

Sinabi din ni Lagman na lusot si Sereno sa isyu ng pagbabago sa draft temporary restraining order (TRO) ni De Castro sa Commission on Elections (COMELEC) ukol sa proklamasyon ng Senior Citizens Partylist dahil ang panuntunan ng Supreme Court ay nagbibigay kapangyarihan sa punong mahistrado na mag-issue ng TRO kung naka-recess ang court en banc.

Paliwanag nito, ang ipinasa ni De Castro sa tanggapan ni Sereno ay draft lamang kaya pwede pa itong baguhin ng Chief Justice.

“A draft is not cast in stone so much so that it can be modified by the Chief Justice who is not a rubber stamp,” ayon kay Lagman. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?