184

Nov 29, 2017 @ 16:39
By

De Castro: Hindi ko sinisiraan si Sereno

Iginiit ni Supreme Court (SC) Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro na hindi niya ninais na siraan si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Binigyan-diin ito ni De Castro sa pagharap sa impeachment hearing para magbigay linaw sa mga alegasyon ni Atty. Larry Gadon laban sa punong mahistrado.

Ayon kay De Castro, kung hangad niyang ipahiya si Sereno, dapat sana ay matagal na siyang naghain ng kaso laban sa Chief Justice.

Binigyang diin ng mahistrado na gusto lamang niyang itama ang mga mali ni Sereno kaya sinulatan niya ito noong kuwestyunin ang pagbuo ng Judiciary Decentralized Office (JDO) – Region 7.

“If I wanted to put down the Chief, I would have filed a case against her or asked the other justices to amend the AO and stop the JDO from being implemented. I didn’t take any action against the Chief,” paliwanag ni De Castro.

“In the SC we have an ethics committee. I used to be the vice chair of the ethics committee during the time of Justice Corona. After the term of Justice Corona, CJ Sereno never organized the ethics committee,” dagdag ng Associate Justice.

Samantala, natanong rin ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas si de Castro kung totoo ang tungkol sa umano’y “tongue lashing” nito kay Sereno base sa ulat ng reporter na si Jomar Canlas.

Sagot ng justice, “Exaggerated naman po. ‘Pag sa deliberation, i say what’s on my mind. hindi ho kami nag-aaway.” (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?