888

Nov 20, 2021 @ 12:13
By

DDS, Marcos loyalist mahahati – mga analyst

Nakikita ng mga analyst ang pagkakahati ng mga Diehard Duterte Supporter o DDS at mga tagasuporta ni Ferdinand Marcos Jr. sa 2022 elections.

Ayon ito kina political analyst Prof. Antonio Contreras (De La Salle University), Prof. Edmund Tayao (Executive Director, Local Government Development Foundation) at Prof. Tony Laviña ng Ateneo School of Government sa panayam sa The Chiefs.

“Now na nag-aaway na ‘yung dalawa, malalaman na natin sino mas malaki,” saad ni Contreras.

“You have to understand that a lot of Duterte supporters are Marcos supporters. A lot of Marcos supported Duterte prior to this quarrel,” dagdag niya.

Para naman kay Tayao, “‘Yung Duterte-Marcos alliance… Let’s not forget that Sara is with Marcos. Di natin kaila na Sara has her own following which is why she holds sway in some provinces though medyo neutralized ni Bebot Alvarez. So madaling sabi, nahati na ‘yung DDS supporters na ‘yan.”

Dagdag nila, ito raw dapat ang samantalahin ng iba pang tumatakbo sa pagka-pangulo.

“Challenge for Leni is to reach out for groups other than usual suspects na ano right now she expanded base, but it’s still really the opposition base. She has to go beyond that. Kailangan habulin yung non-Duterte voters. Si Isko naman, dapat attractive as an alternative to Duterte choices baka mas dun pupunta kung ayaw sa Duterte-Marcos, Pacquiao can also benefit,” ani Laviña.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?