117

Oct 19, 2017 @ 22:16

DBM official sinibak ni Duterte

Tinanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang opisyal ng Department of Budget and Management (DBM) dahil sa isyu ng katiwalian.

Sa kanyang talumpati sa harapan ng mga negosyante sa Manila Hotel kagabi, sinabi ng Pangulo na tinanggal niya sa puwesto ang Undersecretary ng DBM dahil ginawa nito ang pinakaayaw niyang gawin ng mga taga-gobyerno.

Bagamat hindi pinangalanan ng Presidente ang opisyal, ilang taga-DBM ang tumukoy dito na si Gertrudo de Leon.

Ipinatawag umano ng Pangulo si De Leon at pinagalitan muna ito bago sinibak.

Sinabi ng Pangulo na gusto niyang sampalin at sipain sa mukha ang opisyal subalit masuwerte ito dahil maraming tao sa Malago clubhouse na nasa loob ng Malacanang park.

“I just fired the undersecretary of DBM. He was lucky because there were so many people. I wanted to slap him.. I even stood up to… wanted to keep him on the face.. I fired him for corruption … the other 3 employees of my office… influence peddling… of course not with the money… but this one is tinkering with the money of a… i told you, i told you S. T . O. P!,” ang pahayag ng Pangulo.

Si de Leon ang panibagong nadagdag sa listahan ng mga opisyal na sinibak ng Presidente dahil sa isyu ng katiwalian.

Noong nakalipas na linggo ay dalawang opisyal mula sa Pasig River commission ang inianunsiyo nitong sinibak sa puwesto dahil inupuan ang isang mahalagang proyekto. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?