55

Sep 9, 2021 @ 15:57
By

DBM mali ang interpretasyon sa ‘Mandanas ruling’ -Tolentino

Kinuwestiyon ni Senador Francis ‘Tol’ Tolentino ang Department of Budget and Management (DBM) dahil sa umano’y baluktot na interpretasyon ng ahensya sa tinatawag ‘Mandanas ruling’ ng Korte Suprema.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Finance sa panukalang P5.024-trilyong national budget para sa 2022, sinita ni Tolentino ang liderato ng DBM dahil taliwas sa utos ng Kataas-taasang Hukuman ang ginagawa ng ahensya sa pagpapatupad ng 2018 Mandanas ruling na magbibigay dapat ng dagdag kita at awtoridad sa mga local government units (LGUs) sa buong bansa.

Nakapaloob sa 2018 Mandanas ruling na ang Internal Revenue Allotment (IRA) ng mga LGUs ay dapat naka batay sa lahat ng kasalukuyang kita sa pambasang buwis and hindi lamang base sa National Internal Revenue Taxes (NIRT).

Ayon kay Tolentino, naguguluhan siya sa mga inilibas na panuntunan ng DBM sa nasabing Supreme Court (SC) ruling kagaya ng mga salitang “re-calibrate, assess, at monitor.” Ang mga nasabing terminolohiya ayon sa senador ay wala sa lugar at wala sa kahit anong bahagi ng Mandanas ruling.

“It appears that you are deviating from the command of the mandate of the Supreme Court—the high tribunal—on what to do and how to do it… so parang ayaw niyo pa ibigay yung puder sa mga local government units,” ani Tolentino, chairman ng Senate Committee on Local Government.

Paliwanag ni Tolentino, karamihan sa mga LGUsa bansa ay hindi kinonsulta ng tama at hindi pinakitaan ng pangkalahatang plano kung paano ipatutupad ang Mandanas ruling, lalo na sa probisyon kung saan maaaring manatili sa isang national government agency (NGA) ang pondong ibibigay dapat sa mga fourth at fifth class LGUs simula 2022 kung walang kakahayan ang mga ito na saluhin ang tungkulin na manggaling sa mga NGA.

Babala ni Tolentino mauuwi lamang sa isang “granular implementation” ang pagpapatupad ng Mandanas ruling kung ipipilit ng DBM ang kanilang inilatag na sariling panuntunan.

“You gave yourself the discretion to deviate from the Supreme Court’s decision, as well as to deny the full benefits of the Mandanas ruling to our LGUs if you consider that not feasible,” paliwanag ni Tolentino.

Samantala, hiniling naman ni Tolentino sa mga opsiyales ng DBM na bigyan ang Senado ng eksaktong tala kung magkano ang matatanggap ng mga LGUs sa bawat NGAs sa oras na ipatupad na ang 2018 SC decision.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?