11

Sep 16, 2020 @ 15:55
By

DBM: Gobyerno nakatipid ng P2B sa biniling mga medical supply

Nasa P2 bilyon ang natipid ng bansa sa pagbili ng mga medical supply na kailangan ng Department of Health (DOH) sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa Procurement Service report ng Department of Budget and Management, mas mababa sa inaprubahang budget ang nabiling mga medical supply gaya ng mga test kit, batay na rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing economical ang procurement process.

Ang mga binili ay mula March 26 hanggang August 5 sa iba’t ibang local at foreign supplier, at manufacturer.

Sa biniling 4,167 Sansure Novel Coronavirus Nucleic Acid Diagnostic test kit, nakamenos ang bansa ng P4 milyon matapos igawad ang kontrata sa bidder na nag-alok ng mababang halaga na Pacific Field Hong Kong Ltd., na P6.1 milyon o P1,464.88 kada test.

P78 milyon naman ang natipid sa biniling mga medical supplier mula sa mga local distributor na Pharmally Pharmaceuticals Corp. at Lifeline Diagnostic Supplies, Inc.

Sa kabila nito, sinabi ng PS-DBM na nahirapan sila sa pagkuha ng mas marami pang kuwalipikadong local supplier dahil sa pagkaantala ng mga negosyo dulot ng community quarantine at mataas na demand ng mga medical supply at equipment.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?