30

Nov 16, 2021 @ 17:33
By

Dayuhang turista bawal pa sa PH

Nilinaw ng Bureau of Immigration na sarado pa rin ang Pilipinas sa mga foreign tourist.

Aniya, pinapayagan lamang makapasok sa Pilipinas ang mga nasa kategorya na itinakda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

“The country remains closed to foreign tourists. Only those under the allowed categories as set by the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, if coming from green or yellow countries may be admitted to enter,” pahayag ni Immigration Commissioner Jaime Morente.

Sa kasalukuyan, tanging mga Pilipino, balikbayan at foreigner na may valid at existing visa na inisyu ng BI at iba pang specialized government agency ang pinapayagang makapasok sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?