134

Oct 5, 2019 @ 15:46
By

Dayuhang bebot tigok sa aksidente sa Makati

Patay ang isang dalagang Indian national matapos itong salpukin ng isang motorsiklo kagabi sa Makati City.

Sanhi ng matinding pinsala sa katawan, dead on arrival sa Makati Medical Center ang biktimang si Susantei, 39, empleyada ng 32-O 2 Central Condominium sa Valero St., Barangay Bel Air ng nabangging na lungsod.

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang suspek na si Reniel Santillan Quitilen, 30, nakatira sa Barangay Western Bicutan, Taguig City.

Lumalabas sa report ng Makati City Traffic Bureau, dakong alas-10:15 kagabi, Oktubre 4, 2019, nang maganap ang insidente sa kahabaan ng nasabing kalye.

Minamaneho ni Quitilen ang kanyang Yamaha Mio MXI 125 at habang binabagtas nito ang nasabing lugar ay papatawid naman si Susantei.

Huli na bago makontrol ni Quitilen ang preno ng kanyang motorsiklo at nahagip nito ang tumatawid na biktima at sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang biktima.

Kaagad na sinugod ng Makati Rescue Ambulance ang biktima sa pagamutan, ngunit dineklara itong dead on arrival ng attending physician nito.

Kaagad namang pinigil ng mga guwardya ng MACEA ang driver at dinala ito sa tanggapan ng Makati City Traffic Bureau at sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide sa Makati City Prosecutor’s Office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?