40

Jun 15, 2020 @ 14:15

Dayao tuloy lang sa lifting training

Tuloy-Tuloy lang ang training ni national raw & equipped powerlifting record holder at 2019 Batang Pinoy weightliting silver medalist Jose Dayao III ng Cyber Muscle Gym Team kahit may lockdown sanhi ng Covid-19 pandemic.

Nagpasalamat pa rin kahapon ang 13-anyos na lifter sa Panginoong Hesukristo dahil sa aniya’y may sarili silang gym sa Metro Manila kaya hindi nahinto ang kanyang practices sa paggabay ng kanyang ama at coach na si Cirilo.

Pansamantalang kinansela rin muna ang mga sports event kaya walang mga kompetisyon ang mag-ama mapa-powerlifting o weightlifting. (RCruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?