25

Aug 4, 2021 @ 21:51
By

Day 2 ng Free Agency: Bulls, Lakers nagpalakas

Sa ikalawang araw ng Free Agency sa NBA ay bagong-mukhang Chicago Bulls at Los Angeles Lakers ang naghihintay sa darating na season.

Matapos makuha sa unang araw ng agency sina Lonzo Ball at Alex Caruso, nagdagdag pa ng armas ang Bulls sa katauhan ng dating all-star na si DeMar DeRozan, na napapirma sa tatlong taong kontrata na nagkakahalaga ng $85 milyon.

Samantala, pinahaba ng Lakers ang kontrata ni Talen Horton-Tucker ng tatlo pang taon, habang binigyan ng tig-isang taong kontrata sina Carmelo Anthony at Malik Monk. Nakuha rin ng Lakers si Kendrick Nunn at binigyan ng dalawang taong kontrata.

Ang ilan pang sikat na manlalaro na nag-iba na ng team ay sina Rudy Gay (Utah), Patty Mills (Nets), Andre Drummond (76ers), Markieff Morris (Heat), at Hassan Whiteside (Utah).

Samantala, mananatili naman sa Golden State si two-time MVP Stephen Curry sa bisa ng apat na taong kontrata na nagkakahalaga ng $215 milyon.

Mananatili rin sa Atlanta si John Collins na kikita ng $125M sa loob ng limang-taong kontrata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?