64

By

Day 1 ng ASEAN Summit, walang aberya — security task force

Sharing is caring!

Walang naging problema ang unang araw ng isinasagawang 31st ASEAN Summit sa bansa.

Ito ang naging pagtaya ng ASEAN Security Task Force sa ginaganap na pandaigdigang aktibidad.

Ayon kay Police Chief Supt. Noel Baracerros, operation officer ng ASEAN Security Task Force, walang naging problema sa pagdating sa bansa ng mga heads of state kahapon at nitong mga nakalipas na araw maliban na lamang aniya sa mga kanseladong flights.

Maayos din daw na nakabalik sa kanilang mga tinutuluyang hotel ang ilang leaders matapos tumungo ang mga ito kahapon sa International Rice Research Institute sa Laguna.

Sinabi pa ni Barocerros na kung iri-rate sila 1 hanggang 10 ay 10 daw ang makukuha nilang grado matapos ang maayos na pagdating ng mga heads of state sa bansa at pagsisimula ng summit kaninang umaga.

Patuloy ang ginagawang monitoring ng ASEAN Security Task Force sa pamamagitan ng kanilang Multi Agency Coordinating Center (MACC) sa lahat ng lugar na ginagawa ang pandaigdigang aktibidad. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?