62

Jul 28, 2021 @ 15:56
By

Dawn Zulueta nagluluksa sa pagkamatay ng kaniyang furbaby

Nagluluksa ang Kapamilya star na si Dawn Zulueta sa pagkamatay ng kanyang one-year-old furbaby na si Scrappy.

“With sadness and deep regret. Our dearest Scrappy is gone too soon,” saad niya sa kanyang Instagram post kung saan makikita ang mga litrato niya kasama ang puppy.

Anang aktres, magdadalawang-taon na sana si Scrappy sa darating na Oktubre ngunit aksidente itong nalunod.

“He would’ve been 2yo this coming October. Yesterday morning, he died of accidental drowning… @aflagdameo the kids and I are still in shock and total disbelief,” sambit niya.

Ikinalungkot din aniya ito ng iba pa niyang mga aso na sina Pluto at Bruno.

“His BFF’s Pluto has been downcast since yesterday, and even Bruno cried when he saw Scrappy’s remains.”

“Yesterday, a lovely rainbow appeared right at the direction where we buried him 🌈 Because of that, we believe Scrappy wanted to let us know that he’s in a happier place now,” pagpapatuloy niya.

“We will miss you, Scrappy; you brought us so much joy & laughter… Run free to your rainbow bridge ✨🐾💐 #jackrussellterrier #RIPScrappy.”

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang ilang artista tulad nina John Arcilla at Jackie Lou Blanco.

“@johnarcilla 💔💔💔💔💔💔💔💔😭😭😭 runfree Scrappy.”

“@jackielou.blanco Aww so sorry Dawn..”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?