794

Dec 13, 2017 @ 16:37
By

Dawn Zulueta, imbiyerna na sa away ng ABS-CBN at GMA

Nagsalita na si Dawn Zulueta tungkol sa giyera sa network at hindi siya natutuwa na ang bashers ay may pinapaboran na mga artista na galing sa magkaibang TV networks.

Kaya pabor si Dawn na pagsamahin sa iisang project ang mga talent ng ABS-CBN 2 at GMA-7 para magkaroon ng unity ang mga artista. Tulad na lang sa pelikula nila ni Vic Sotto na ‘Meant To Beh’, may talents sila from Kapuso (Gabbi Garcia, Ruru Madrid, Andrea Torres, Baeby Baste) at Kapamilya (JC Santos, Sue Ramirez at Daniel Matsunaga) TV networks.

“Ako, I think it’s exciting when actors are able to work together without boundaries because we are only divided by the boundaries set by our contracts and I think that’s sad.

“It did not use to be that way. I still came from an era wherein it was free for all, we could go anywhere and could tandem with everybody. Now, parang you have limitations or nagkakahiyaan, may ganu’n na ngayon, eh,” sey ni Dawn.

Nakakadagdag pa raw ang bashers sa pagpigil ng mga artista mula sa dalawang networks na maging magkaibigan.
“I remember once upon a time when this was industry was just one big family. And there was no such thing as you come from that clan and we come from this clan.

“But you know, think about it this way, bihira po na magkasama-sama ang mga artista na galing sa iba’t ibang network and this project, we have everybody.

“It didn’t matter what network you came from. We just all wanted to work together and ibalik natin ‘yung ganyang spirit, i-celebrate natin na nagkakasama-sama tayong lahat na walang klaseng boundaries na sinasabi,” sabi ni Dawn.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?