254

Dec 20, 2017 @ 18:03
By

Dawn umaming naging crush si Vic

Umaming nagkaroon ng crush si Dawn Zulueta kay Vic Sotto na leading man niya ngayon sa lalabas nilang movie, ang MMFF2017 entry ng MZET Productions at Octo Arts Films na ‘Meant To Beh’ na dinirehe ni Chris Martinez.

Ayaw sanang ikuwento ni Dawn ang istorya niya sa pocket presscon para sa movie dahil baka lumabas ang layo ng agwat ng edad nila ni Vic.

Hindi lang napigilan ni Dawn ang sarili dahil true-confession naman ito.

Wala pa raw sa showbiz si Dawn at fan pa lang ng Eat Bulaga, nagkaroon na siya ng crush kay Vic.

Guwapo ang deskripsyon ni Dawn kay Vic nu’ng dalagita pa lang siya.

Tumagal raw ito ng ilang taon pero nawala rin nang magpakulot si Vic.

Mas gusto raw kasi ni Dawn ang dating buhok ni Vic noon.

Dream come true raw kay Dawn ang makatrabaho niya si Vic sa television, via fantaseye ‘Okay Ka Fairy Ko’.

Di raw nagtangka si Vic na ligawan siya, ayon pa rin kay Dawn, dahil dini-date na niya ang mister niya ngayon na si Anton Lagdameo.

Depensa naman ni Vic sa sarili, hindi naman daw porke’t leading lady niya liligawan na niya ito agad.

Maganda, matalino at mahusay makisama ang ilan sa maraming katangian ni Dawn na ayon kay Vic ay walang lalake ang hindi mai-inlove sa aktres.

Ang saya raw ng working relationship nina Dawn at Vic dahil puro mga tsikiting na ang pinag-uusapan nilang dalawa sa set ng movie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?