129

Feb 21, 2020 @ 15:38
By

Dawit sa pagpatay kay Masbate Vice Mayor Yuson: Sandra Cam swak sa murder – NBI

Nirekumenda ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkaso ng murder kay Philippine Charity Sweepstakes board member Sandra Cam, kasama pa ang anak nito, sa pagpaslang kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III.

Sina Sandra at anak nitong si Marco Martin Cam, parehong taga-Poblacion, Batuan, Masbate, ay tinuro na utak sa pagpaslang kay Yuson.

Dawit din sa kasong murder sina Nelson Cambaya, government official, residente ng Patong, Danao, Batuan, Masbate; Junel Gomez, driver, residente ng San Jose, Biñan, Laguna; Bradford Solis, taga-Poblacion, Camiling, Tarlac; Juanito de Luna, magsasaka, taga-Camiling, Tarlac; at Rigor dela Cruz, driver, residente ng San Jose, Biñan, Laguna; na sinasabing gunmen sa pagpatay kay Yuson, ayon sa NBI Death Investigation Unit.

Ang limang suspek ay nilarawan ng NBI bilang mga tao ni Cam na tinuro siyang mastermind.

Ang kaso ay naisampa na sa Department of Justice, Biyernes ng hapon, February 21.

Si Yuson ay pinaslang sa Sampaloc, Manila noong nakaraang October 9, 2019 habang kumakain ng almusal sa isang kainan.

Ang getaway vehicle ng mga mamamatay-tao ay nasilayan sa CCTV camera.

Matatandaan na tinuro ng asawa ni Yuson na si Lalaine, si Cam bilang mastermind sa pagpatay sa Batuan vice mayor matapos matalo ang anak nito na si Martin, sa anak ng mga Yuson na si Charmax sa 2019 mayoralty election sa Batuan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?