67

Dec 29, 2018 @ 15:37

Davis tinuruan ng leksyon si Doncic, Mavericks bumagsak sa Pelicans

Nagkaroon man ng career game ang rookie na si Luka Doncic, hindi pa rin ito naging sapat para makasilat kina Anthony Davis at New Orleans Pelicans, 114-112.

Ibinuslo ni Davis ang isang fall-away jumper, 43.9 segundo ang nalalabi para maitakas ang panalo kontra sa Mavs, tumikada ng 48 puntos at 17 rebounds sa kabuuan ng laro.

Naibalik pa sa Dallas ang bola, ngunit ang layup ni Doncic ay nabutata ni Jrue Holiday samantalang ang tres naman ni Dennis Smith Jr. ay nagmintis.

Nakatuwang ni Davis ang forward na si Julius Randle, kumamada ng 22 puntos.

Samantala, nasayang naman ang 34 puntos, pitong tres ni Luka Doncic at 21 puntos ni Harrison Barnes. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?