11

Mar 21, 2018 @ 14:24
By

Davis rumesponde ng 37 sa Pelicans kontra Mavs

Wala ang second-leading scorer na si Jrue Holiday, pero hindi ito naging problema sa New Orleans dahil sa pag-iskor ng 37 points ni Anthony Davis para mapataob ng Pelicans ang Dallas Mavericks, 115-105, nitong Martes ng gabi (Miyerkoles, oras sa Pinas).

Nagdagdag pa si Rajon Rondo ng 19 points at 14 assists para sa Pelicans, na kasama sa pitong koponan na nagtutulakan sa final five ng Western Conference playoffs.

Lumamang ng 13 points sa second quarter ang Maverics pero nag-rally ang New Orleans para makuha ang abante bago ang halftime.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?