10

Dec 4, 2020 @ 15:26
By

Davis pipirmi sa Lakers

Sumang-ayon sa five-year $190 million maximum contract si All Star big man Anthony Davis upang muling makasama ang 2019-2020 NBA champions Los Angeles Lakers, ayon sa ulat ng ESPN.

“In the Orlando bubble, Anthony Davis proved he is one of the game’s most complete and dominant two-way players,” pahayag mula kay general manager Rob Pelinka.

“Now, Lakers fans get to watch AD continue to grow and lead our franchise for years to come. This is truly a blessed moment for Lakers Nation.”

Bumida agad ang 27-year-old cager sa kanyang unang season kasama ang Lakers nang tulungan nitong masungkit ng koponan ang kampeonato.

Pasok rin nitong nakalipas na season si Davis sa All-NBA First Team at may average na 26.1 points at 9.3 rebounds.

Dahil rito, muling masisilayan ng mga Lakers fan ang tandem nina Davis at superstar LeBron James na una nang pumirma ng two-year $85 million contract extension.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?