antony

Davis, Pelicans naka-isa sa Warriors

Sharing is caring!

Kumalabaw ng 33 points, 18 rebounds at 4 steals si Anthony Davis para pangunahan ang New Orleans Pelicans na padapain ang Golden State 119-100, nitong Biyernes (Sabado sa Pinas).

Naka-isa na ng panalo ang Pelicans laban sa Warriors, 2-1.

Dinomina ni Davis ang basket, na karamihan ng puntos ay mula sa dunks, tapik sa bola o alley-oop, para daigin ang Warriors, 54-36, sa paint.

Minalas naman sa mga tira sa labas ang Golden State, naimintis nila ang 22 sa 31 3-point shots na kanilang ipinukol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?