56

By

Davis: Lakers roster kayang tapatan kahit sino!

Hindi pa man nagsisimula ang 74th NBA season, malaki na ang tiwala ni Los Angeles Lakers forward Anthony Davis sa kanyang bagong team at kakampi na sila ay tutuntong sa NBA championship.

Walang pag-aalinlangang sinabi ng 26-year-old superstar na kahit sino ang itapat sa kanilang koponan ay kaya nila itong talunin.

“I’ll put our roster up against anybody,” ayon kay Davis. “In a 7-game series, I think we’ll come out victorious,” dagdag nito.

Nagpakita rin ng pananabik si 6-time NBA all-star Davis na maging kampi si superstar LeBron James, na naging kakampi na rin niya sa mga All-Star game at 2012 Olympics.

“To get a full season and to see the things he’s able to do, pass, shoot, talks well defensively, great leader, so I’m excited to get a lot of that this season, and just go from there,” saad pa nito.

Hindi nakapasok sa playoffs ang Lakers noong 73rd season, at ngayo’y nag-rebuild na ang pinakabagong player na napasok sa koponan ay sina DeMarcus Cousins, Danny Green, Quinn Cook, Jared Dudley at Avery Bradley.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?