32

Feb 27, 2018 @ 16:32

Davis kumana ng 53 sa panalo ng Pelicans vs Suns

Umiskor si Anthony Davis ng season-high 53 points at humablot ng 18 rebounds at limang blocks para palawigin ang panalo ng New Orleans sa anim sa pamamagitan ng 125-116 victory kontra Phoenix Suns Linggo ng gabi.

Nag-ambag si Jrue Holiday ng 20 points para sa Pelicans na tumabla sa Portland para sa ikalimang puwesto sa Western Conference kahit na wala ang All-Star DeMarcus Cousins na hindi na makakapaglaro ngayong season dahil sa torn achilles.

Si Emeka Okafor na pumalit kay Cousins ay umiskor ng 14 puntos.

Namuno si Devin Booker na may 40 points at 10 rebounds para sa Suns na natalo ng sampung sunod at hindi pa nananalo ngayong Pebrero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?