anthony-davis

Davis binitbit ang Pelicans sa panalo vs Blazers sa Game 1

Sharing is caring!

Nagsalansan si Anthony Davis ng 35 puntos 14 rebounds at apat na blocks at tinalo ng New Orleans Pelicans ang Portland Trail Blazers 97-95 nitong Sabado ng gabi para sa Game 1 ng playoff series.

Nagdagdag ng 21 puntos si Jrue Holiday para sapawan sina Damian Lillard at CJ McCollum bukod sa importanteng butata nito sa huling bahagi ng laro.

Nagtapos si Rajon Rondo ng 17 assists, walong rebounds at anim na puntos para sa New Orleans.

May 18 puntos, pitong rebounds at pitong assists si Lillard habang may 19 si McCollum.

Ang sixth-seeded Pelicans ang tanging road team na nanalo sa simula ng NBA playoffs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?