72
Davis binalewala ang Fiba World Cup para sa Lakers
Jul 15, 2019 @ 14:18
By

Davis binalewala ang Fiba World Cup para sa Lakers

Hindi matutunghayan si Anthony Davis sa Team USA sa parating na Fiba World Cup matapos nitong bawiin ang kanyang commitment sa national pool.

Ayon sa Yahoo Sports, mas pagtutuunan ng pansin ng six-time All-Star ang kanyang unang season sa Los Angeles Lakers na inaasahang frontrunner para sa kampeonato.

Noong nakaraang linggo lang ay pormal nang natuloy ang trade ng Lakers at New Orleans Pelicans para kay Davis, bubuuin ang tandem nila ni four-time league MVP LeBron James.

Naging kapalit ni Davis ay sina Lonzo Ball, Brandon Ingram, Josh Hart at ilang mga first round picks.

Reunion din ito ni Davis sa mga dating kampi sa Pelicans na sina Rajon Rondo at Demarcus Cousins.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?