26
ABANTE-TNT-bigas-kilo
By

David Tan pinakakasuhan na ng DOJ sa monopolyo ng bigas

Sharing is caring!

Pinakakasuhan na sa korte ng Department of Justice (DOJ) ang hinihinalang big time rice smuggler na si Davidson Bangayan alyas David Tan.

Kasama rin sa asunto ang limang iba pang negosyante.

Nakitaan ng DOJ ng probable cause ang reklamo laban kay Tan na sinampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng reklamong kriminal dahil sa hinala na sangkot siya sa monopolya ng suplay ng bigas sa bansa noong Aquino administration na naging dahilan ng pagtaas ng presyo nito.

Sa resolusyon ng panel of prosecutors, pinasasampahan ng DOJ si Bangayan ng reklamong monopolies and combinations in restraint of trade na paglabag sa ilalim ng Article 186 ng Revised Penal Code at paglabag sa Commonwealth Act No. 142 dahil sa paggamit ng Fictitious name o pagtatago ng kanyang tunay na pangalan.

Sa imbestigasyon ng NBI, lumitaw na ginamit umano ng grupo ni Bangayan bilang dummy ang ilang mga farmer organization at cooperative para makakuha NFA rice import allocation.

Nagsabwatan umano sila para mamanipula ang bidding process sa paga-award ng rice import allocation mula sa NFA, dahilan para sila ang makakuha ng suplay ng imported rice sa lokal na pamilihan at makontrol ang presyuhan ng bigas sa merkado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?