84

Oct 22, 2017 @ 11:33

David Archuleta todo-iyak sa concert niya

By JOJO GABINETE

Napaiyak si David Archuleta nang kantahin nito ang Nandito Ako sa one-night only concert niya sa Kia Theatre noong Biyernes. Na-miss niya ang Pilipinas at overwhelmed sa dami ng mga nanood, ang mga speculation tungkol sa pag-iyak ni David na maligayang-maligaya sa mainit na pagtanggap ng fans sa kanyang pagbabalik, limang taon matapos na magbida siya sa Nandito Ako, ang television series ng TV5 noong 2012.

Nakatulong ang maturity ni David sa madamdamin na pag-awit niya sa punumpuno ng emosyon na lyrics ng kanta na pinasikat ni Ogie Alcasid noong late ‘80’s. Mas mahusay na singer at malalim na ang hugot ng pagkanta ni David sa Nandito Ako sa concert niya sa Kia Theatre.

Si David ang pangalawa sa mga international singer na naglabas ng cover version ng Nandito Ako dahil nauna sa kanya ang Mexican singer/actress na si Thalia na ni-record ang nasabing kanta noong 1997. Sikat na sikat si Thalia sa Pilipinas dahil sa kanyang hit telenovela na Marimar na napanood sa RPN 9 noong 1996.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?