33

Jun 13, 2021 @ 15:00
By

David Archuleta, miyembro ng LGBTQIA+

Lumantad ang dating American Idol contestant na si David Archuleta bilang miyembro ng LGBTQIA+ community nitong Linggo (oras sa Pilipinas).

Ayon sa singer, nagkaroon siya ng matinding kalituhan sa kanyang sexualidad at pananampalataya, sapagkat isa siyang miyembro ng The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints.

Kaya naman sa kanyang paglantad, inihayag ni Archuleta na maaaring maging miyembro ng LGBTQIA+ ang isang tao at manatili pa ring mananampalataya ng Diyos.

“You can be part of the LGBTQIA+ community and still believe in God and His gospel plan,” ani Archuleta.

“I’ve tried for almost 20 years to try and change myself until I realized God made me how I am for a purpose. And instead of hating what I have considered wrong, I need to see why God love[s] me for who I am and that it’s not just sexuality,” dagdag pa ng singer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?