386

Jul 3, 2020 @ 16:03
By

Dave Ildefonso: Buknoy kupal!

Isa si Ateneo star Dave Ildefonso sa mga nanggalaiti sa Youtuber na si Buknoy Glamurrr dahil sa tila pangmamaliit nito sa mga tricycle driver.

Sa tweet ng anak ni PBA legend Danny Ildefonso, sinabihan nitong ‘kupal’ ang nasabing vlogger, na naiipit sa isyu ng panghahamak sa mga namamasada ng trike.

“There is no honest work that should be belittled. Kupal ka,” ayon kay Ildefonso.

Binanatan si Buknoy sa social media matapos nitong iparating na wala umanong narating ang mga tricycle driver.

“Huwag na huwag kayong sumukong mangarap, kasi kung hindi kayo magsusumikap sa buhay, walang-wala kayong mararating tulad nito,” ayon kay Buknoy saka itinutok ang camera sa tricycle driver sa kanyang vlog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?