90

By

Dave Ildefonso at Cansino, ‘di astang rookies

Sharing is caring!

Mukhang may bago na namang aabangan ang mga UAAP fan sa mga susunod pang laro ng collegiate league.

Inamin nina National University Bulldog Dave Ildefonso at University of Santo Tomas Growling Tiger CJ Cansino na ‘kulitan lang’ ang nangyayari sa kanilang dalawa sa loob ng court.

Natalo ni Ildefonso at ng Bulldogs sina Cansino at ang Growling Tigers, 75-70, kahapon, Setyembre 8.

Umiskor ng 19 puntos at nakakuha ng pitong rebound si Ildefonso ngunit hindi naman patatalo si Cansino na gumawa ng 20 puntos at 10 rebound.

“Nung laban namin kanina, it was really a great game between us since may bond kami,” ani Ildefonso.

“We really know each other well, kung may sagutan man don, kulitan lang yon sa court,” dagdag niya.

Sinabi naman ni Cansino na naglolokohan lang sila sa basketball.

“Magkaibigan kami ni Dave. Medyo naglolokohan lang kami kanina,” saad ni Cansino.

“It’s just a game, basketball lang.”

Marami pang beses pang maghaharap si Ildefonso at Cansino dahil parehong rookie ang dalawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?