283

Nov 6, 2017 @ 14:01

Dave Bornea out na sa TOTGA

LUNGKOT daw ang unang naging reaksyon ng Kapuso star at member ng One Up na si Dave Bornea nang malaman nitong pinalitan na siya sa bagong primetime series ng GMA-7 na TOTGA.

Nawala na kasi sila sa Alyas Robin Hood kaya natuwa siya nang malamang may kapalit agad.

Pero saglit lang daw ang naramdamang lungkot nang malaman nito ang dahilan ng network kung bakit kinailangan siyang i-pull-out.

‘Yun pala, may ibang plano ang network para sa kanya at sa naging ka-loveteam sa ARH na si Lindsay de Vera. May ibang serye raw na para sa kanila at the same time, magpapatuloy ng loveteam nila.

Sa One Up nga, si Dave ang masasabing nakakapag-solo at nabibigyan ng opportunities. Kasama rin siya sa grupo ng mga Kapuso artists na nag-perform kamakailan lang sa Singapore. Na kahit si Dave, nagulat na kilala na siya rito at sa mainit na pagtanggap sa kanya. By ROSE GARCIA

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?