By

Davao, sinita ng COA sa hindi nagamit na 2017 disaster funds

Sharing is caring!

Kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang kabiguan ng Davao City na gamitin ang mahigit kalahating bilyong pisong halaga ng disaster funds noong nakaraang taon.

Ayon sa COA, ang hindi paggamit sa P553.65 million ay pagkakait sa mga residente ng Davao na makabangon sa man-made at natural calamities.

Natuklasan ng ahensiya na P171.98 million lamang mula sa P725.62 million na Local Disaster Risk Reduction and Management Funds (LDRRMF) ang nagamit ng lokal na pamahalaan na pinamumunuan ni presidential daughter at Mayor Sara Duterte-Carpio.

“The low accomplishment rate in the implementation of the disaster prevention and mitigation and disaster preparedness plans and programs of the LDRRMF is an indication of the non-attainment of the objective of the City’s Disaster Risk Reduction and Management Plan for 2017 of enhancing the capacities of the city and its constituents to effectively understand, prepare, respond and recover from the impact of natural and man-made disasters,” saad sa annual audit report.

Sinabi ng COA na dahil sa kabiguang makumpleto ang implementasyon ng disaster risk reduction and management plans, nakompromiso ang socio-economic at environmental programs para sa mga taga-Davao.

Hinimok ng ahensiya ang city government na lubusin ang paggamit ng LDRRMF nito at agad ipatupad ang mga programang makatutulong para maibsan ang panganib na dulot ng mga kalamidad.

Inirekomenda rin nito na mahigpit na bantayan ng Disaster Risk Reduction and Management Office ang paggastos sa LDRRMF at tiyaking alinsunod ito sa disaster preparedness plans ng lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?