7

By

Davao Oriental, Surigao del Norte niyanig ng lindol

Sharing is caring!

Naramdaman ang magnitude 4.6 na lindol sa bayan ng San Isidro sa Davao Oriental nitong Linggo, Setyembre 16.

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang episentro ng lindol na may layong 7 kilometro sa parte ng timog sa bayan ng San Isidro bandang alas-8:03, Linggo ng umaga.

May lalim itong limang kilometro at tectonics ang pinagmulan ng pagyanig.

Samantala, magnitude 3.8 na lindol naman ang tumama sa ilang bahagi ng Surigao del Norte, partikular na sa bayan ng Socorro.

Nasa anim na kilometro parte ng Timog-Silangan ng Socorro ang bahagyang yumanig na may lalim na limang kilometro at tectonic din ang dahilan.

Wala namang naiulat na pinsala sa dalawang naganap na pagyanig at wala ring aftershocks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?