35

Sep 2, 2018 @ 10:28
By

Davao Oriental niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang ilang bahagi ng Davao Oriental nitong Linggo, Setyembre 2.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang episentro ng lindol na may layong 58 kilometro sa Timog-Silangan ng Tarragona, bayan ng Davao Oriental bandang alas-3:15 ng madaling-araw.

Tectonic ang dahilan ng pagyanig na kung saan may lalim itong 99 kilometro at walang aftershocks na naganap matapos ang paglindol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?