31

Nov 20, 2021 @ 10:11
By

Davao Oriental inuga ng magnitude 5.2

Tumama ang magnitude 5.2 lindol sa Davao Oriental nitong Sabado ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol ng alas-4:08 ng madaling-araw sa southeast ng Tarragona.

May lalim itong isang kilometro at tectonic ang origin.

Walang inaasahang pinsala o mga aftershock kasunod ng lindol, ayon pa sa Phivolcs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?