27

Aug 12, 2021 @ 9:13
By

Davao Oriental inuga ng 7.3 magnitude na lindol

Niyanig ng magnitude 7.3 na lindol ang Mati City, Davao Oriental ngayong Huwebes ng madaling araw ayon sa PHIVOLCS.

Ayon sa kanilang ulat, naramdaman ang pag-uga kaninang alas-1:46 ng umaga.

Naramdaman naman ang Intensity IV sa Koronadal City at Tampakan sa South Cotabato at Intensity V naman sa General Santos City.

Binalaan naman ng naturang ahensya ang mga residente sa naturang bayan para sa maaaring mga aftershock.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?