38

Aug 3, 2019 @ 16:47

Davao Occidental, Northern Samar nilindol

By IS

Magkasunod na niyanig ng lindol ang Davao Occidental at Northern Samar nitong Sabado.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, isang 5.6-magnitude quake ang tumama sa Jose Abad Santos, Davao Occidental alas-12:10 ng hatinggabi.

Isang oras ang nakalipas, inuga naman ng 5.0 magnitude ang Pambujan, Northern Samar.

Naitala ang Intensity III sa Virac, Catanduanes; Intensity II sa Legazpi City, Sorsogon City; Intensity I sa Daet, Camarines Norte; Pili, Camarines Sur; Borongan City at Cebu City.

Intensity III naman sa Alabel at Kiamba, Sarangani at General Santos City habang Intensity II sa Tupi, South Cotabato.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?