21

By

Davao Occidental niyanig ng lindol

Sharing is caring!

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang ilang bahagi ng Davao Occidental, partikular na sa Silangang bahagi ng Saranggani, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang episentro ng lindol sa Silangang bahagi ng Sarangani na may layong 273 kilometro, bandang 3:33, Sabado ng madaling araw.

Nasa isang kilometro ang lalim ng pagyanig at tectonic lamang ang dahilan kaya walang aftersocks na naganap matapos ang pag-uga ng 3.3 at wala ring nasirang ari-arian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?