39

Jul 20, 2019 @ 11:40
By

Davao Occidental, niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bahagi ng Sarangani sa Davao Occidental, Biyernes ng gabi.

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang episentro ng lindol ay nasa layong 313 kilometro ng Timog-Silangan ng Sarangani na yumanig bandang 11:23 Biyernes ng gabi

May lalim ang pagyanig na 32 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang lindol at wala ring naganap na aftershocks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?