47

Jan 19, 2019 @ 12:01
By

Davao Occidental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang karagatang sakop ng Davao Occidental, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang pagyanig sa may layong 428 kilometro Timog-Silangan ng Sarangani bandang 2:52 Sabado ng madaling araw.

May lalim itong 149 kilometro at tectonic ang dahilan at walang pinsalang nasira subalit asahan na may kasunod pang pagyanig. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?