45

By

Davao Occidental niyanig ng lindol

Naramdaman ang magnitude 3.2 na lindol ang ilang bahagi ng bayan ng Davao Occidental.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) tumama ang episentro ng lindol sa may layong 107 kilometro ng Timog-Silangan ng Sarangani bandang alas-4:54 Sabado ng umaga.

.

May lalim itong 14 kilometro at tectonic ang dahilan ng pagyanig. Wala namang naidulot na aftershocks at pagkasaira sa mga gusali.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?