40

By

Davao Occidental niyanig ng 5.5 magnitude na lindol

Nakaranas ng 5.5 magnitude na lindol ang Davao Occidental ngayong umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang lindol 24 kilometro sa hilagang kanluran ng Don Marcelino, Davao Occidental kaninang 7:07 am.

May lalim ito na 97 km at tectonic ang pinagmulan.

Nakaramdam ng Intensity V ang Koronadal City at Intensity III naman sa Davao City.

Samantalang instrumental intensity V naman ang naranasan ng Alabel, Sarangani at General Santos City, South Cotabato, Intensity IV sa Kiamba, Sarangani at Intensity III sa T’Boli, South Cotabato, Davao City.

Wala namang natayang nasugatan at nasira, ngunit ayon sa Phivolcs asahan ang maaaring aftershock dahil sa lindol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?