ABANTE-TNT-davao-occidental-earthquake lindol ph

Davao Occidental inuga ng magnitude-5 na lindol

Sharing is caring!

Isang magnitude-5 na lindol ang tumama sa timog-silangang bahagi ng bayan ng Sarangani sa Davao Occidental noong Sabado ng gabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang pagyanig alas-9:52 ng gabi.

Nakita ang epicenter nito 201 kilometro ng Sarangani town at ang tectonic origina ay may lalim na 59 kilometro.

Wala namang naiulat na nasira sa lindol. Wala ring naitalang aftershocks pagkatapos nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?