5

Feb 24, 2021 @ 9:36
By

Davao Occidental inuga ng magnitude 5.2

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Davao Occidental ngayong Miyerkoles ng umaga.

Sa unang earthquake bulletin ng Phivolcs, nakasaad na magnitude 5.1 ang pagyanig. Tinaas ito sa magnitude 5.2 sa sumunod na bulletin.

Naitala ang lindol alas-6:25 ng umaga, Pebrero 24, sa 318 kilometers southeast ng Sarangani, Davao Occidental.

Tectonic ang origin nito at may lalim na 79 kilometro.

Samantala, wala namang inaasahang aftershocks at damage ang Phivolcs matapos ang pagyanig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?