6
ABANTE-TNT-davao-occidental-earthquake lindol ph
Mar 14, 2021 @ 9:11
By

Davao Occidental inuga ng lindol

Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang Davao Occidental, Sabado ng gabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naitala ang pagyanig alas-11:34 ng gabi, Marso 13, sa 124 kilometro southeast ng bayan ng Jose Abad Santos.

Tectonic ang origin nito at may lalim na isang kilometro.

Samantala, wala namang inaasahang aftershocks at pinsala ang Phivolcs mula sa nangyaring lindol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?