177

Sep 30, 2020 @ 9:08
By

Davao Occidental inalog ng lindol

Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang Davao Occidental kagabi.

Ayon sa earthquake information ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, alas-9:26 ng gabi ng Setyembre 29, tumama ang tectonic earthquake sa 153 kilometro southeast ng Munisipalidad ng Sarangani.

May lalim itong 109 kilometro.

Samantala, sabi ng Phivolcs, ang nasabing pagyanig ay hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ni aftershock.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?