33

Feb 29, 2020 @ 18:42
By

Davao Occidental binulabog ng lindol

Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang Davao Occidental nitong Sabado ng hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol may 393 kilometro sa southeast ng Sarangani dakong alas-5:28 ng hapon, Pebrero 29.

Tectonic ang origin nito at may lalim na 162 kilometro.

Walang inaasahang aftershocks at pinsala sa lindol, ayon pa sa Phivolcs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?