7

By

Davao Occidental at Agusan del Norte, niyanig ng lindol

Sharing is caring!

Niyanig ng lindol ang ilang bahagi ng Davao Occidental at Agusan del Norte, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Unang niyanig ang Agusan del Norte na kung saan ay nakapagtala ng magnitude 3.5 na lindol bandang 12:29 Linggo ng madaling araw.

Sa Kanlurang bahagi ng Butuan City naitala ang episentro ng pagyanig sa layong 14 kilometro at lalim na 25 kilometro at tectonic ang dahilan.

Habang nasa magnitude 3.9 na lindol naman ang yumanig sa Davao Occidental bandang 5:17 Linggo ng umaga.

Naitala sa Silangang bahagi ng Sarangani ang episentro ng pagyanig sa layong 134 kilometro at may lalim na 134 kilometro at tectonic ang dahilan.

Wala namang naganap pang aftershocks at wala ring naitalang pinsala matapos ang lindol

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?