10

Jan 16, 2021 @ 8:36
By

Davao nalubog sa baha

Nalubog sa baha ang ilang baranggay sa Davao City matapos umapaw ang Davao River kahapon.

Dulot ito ng walang tigil na pag-ulan sa upland area ng ilog sanhi ng mga localized thunderstorm na nakaapekto sa naturang lungsod.

Inilikas din ang ilang residenteng nainirahan malapit sa Davao River dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig.

Ayon sa tala ng lokal na pamahalaan ng Davao, aabot sa mahigit 300 pamilya ang inilikas sa ginawang preemptive evacuation ng mga residente.

Brgy. Lacson – 2 pamilya at 7 indibidwal
Brgy. Gumalang – 2 pamilya
Brgy. Waan – 10 pamilya
Brgy. Ma-a – 29 pamilya at 25 indibidwal
Brgy. Mandug – 30 Families
Brgy. Tigatto – 300 indibidwal
Brgy. 2-A – 6 pamilya
Brgy. 8-A – 27 pamilya at 51 indibidwal
Brgy. Matina Crossing – Ilang pamilya ang inilikas

Biyernes ng gabi nang humupa na ang baha sa ilang bahagi ng Davao at mayroon ng mga evacuee na nakabalik sa kanilang mga tirahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?